Home

Advertisement

FOREVER AND EVER AND EVER :) [entries|archive|friends|userinfo]
jedingdong

[ userinfo | livejournal userinfo ]
[ archive | journal archive ]

Pakiramdam ko kinakausap mo ako sa pamamagitan ng mga kanta. [Dec. 2nd, 2009|01:14 am]
O baka talagang sumasakto lang player mo sa tenga ko.

Haha.

All I wanted was a leap of faith.
LinkLeave a comment

Saint Anthony, pray for me. [Nov. 29th, 2009|12:45 am]
"Apple of the eye"

Una kong narinig ang tungkol sa kanya noong Agosto, noong mga panahong nagsisimula akong maging "masaya" at kampante at komportable at lahat na (dahil nga sabi nila sa akin "the coast is clear"). Binalewala ko lang kasi nga KAMPANTE ako, o baka dahil hindi pa naman ako ganung kaapektado. Sinubok kong patuloy na "magpakasaya" at mukhang gumana naman. Medyo matagal din. Masaya namang talaga.

"Best bud"

Sabi nga ng isang kaibigan sa akin, baka naman daw tsismis lang, o baka naman wala lang 'yun. Inisip ko pa nga na parang imposible naman kasi napakabilis naman yata kung ganun. Wala naman kasi akong alam. Sabi naman ng isa ko pang kaibigan, hindi ako masasaktan sa kung ano man ang hindi ko alam, kaya huwag ko na lang daw sigurong alamin hangga't tuluyang magpakita. So, ayun, nakakulong lang ako sa kung ano ang alam ko. Masaya pa rin naman kahit papaano.

"Basta"

Hindi ko alam kung halata ka lang bang talaga o masyado na akong sanay sa pagbasa sa kung ano ang hindi mo masabi. Malabo ka nga, sabi nila. At parang ang galing ko para maunawaan ang kalabuan mo. Pati 'yung hindi mo masabi nang maayos (o siguro 'yung ayaw mong sabihin), naiintindihan ko. Pinipilit kong ilabas mula sa'yo kasi... masokista siguro ako. Tama yata ang mga hula ko, pero sa kabilang banda, baka naman pinag-iisipan kong masyado.

"Oo nga pala..."

Kuhang-kuha na nga yata kita at tama ang pagkaunawa ko sa kahulugan mo ng "basta".








So, bakit ko ito isinulat? Hindi ko alam.
So, anong plano kong gawin? Hindi ko alam.

Nawawala ako. Sana ikaw pa rin ang makahanap sa akin.
Link3 comments|Leave a comment

Parang wala sa plano ni God na sumaya ako. [Nov. 24th, 2009|12:24 am]
I wonder why.
Link1 comment|Leave a comment

(no subject) [Nov. 18th, 2009|12:32 am]
di alam kung tatakbo
o kusang lalayo sa'yo.







promise ito na ang una at huling beses na iiyak ako. haha.
tae. high school?!!!! kadiri.
LinkLeave a comment

does it hurt when you think about me [Nov. 16th, 2009|11:31 pm]
and how broken my heart is?

:(
Link4 comments|Leave a comment

mahal ako ni Portia. [Nov. 10th, 2009|12:43 am]
 Kanina sa Entaroom

Portia: So kamusta na kayo ni ****?
Jedyne: I don't know. I haven't seen it. I haven't talked to it. It has a new girl.
Portia: WHAAAT?????
Jedyne: Taga- *insert name of school here* BOBO.
*pause*
Portia: Hindi yun bobo. POOR lang!


Kanina sa Plurk

Portia Pie says HOY ****  *******!!! PAPABUGBOG KITA E!!! HUWAHAHAHAH. joke lang pare,mahalin mo lang kaibigan ko.





HAHAHAHA. Bakit mahalaga si Portia (para ma-blog ko pa siya)? Dahil andun siya mula NOONG UMPISA. Mula sa mismong araw na nanghiram ako ng pantasa at kiligin ako, hanggang sa maraming araw at buwan na sumunod. 

By the way, salamat Pork dahil sa binigay mong tatlong CDs sa akin kanina. Mahal din kita >:D< We will be forever first ladies, you know that.
LinkLeave a comment

(no subject) [Nov. 8th, 2009|11:03 pm]
 Naaalala ko ang simula ng first year sembreak ko--pagkatapos ng ES 10 final exam sa SEC A. Matapos n'un ay nag-Galle (HAHA ANG LUMA) kami nina Marj at Nadene. Sunud-sunod na araw akong umaalis with hs friends since panahon ng reunion at debut. Uso pa n'un na maging emcee ako sa debuts. HAHA wala man lang TF. Chengke. Maraming araw rin akong naging bum sa bahay. Maraming araw ang inilagi ko para mabulok, minsan naman para maglinis at maghalungkat ng mga bagay na dapat matagal nang nakabaon. Damang-dama ko ang kahabaan ng sembreak, at ang pakiramdam na ayokong pumasok dahil masyado akong nasanay sa mahaba at masarap na bakasyon. Parang high school lang.

Ngayon, tatlong taon na mula nang huli una kong college sembreak at huling araw ng huli kong sembreak. Parang walang nangyari dahil masyadong maraming nangyari. Mula sa PLEVSEM, Pan Delicioso matters, iba pang trabaho, araw-araw akong umalis at napagod. Wala masyadong oras para umalis kasama ng mga lumang kaibigan (haha). Wala masyadong oras para mabulok sa bahay at manood ng mga lumang palabas. Wala masyadong oras. PERIOD. :(

Hindi ko naman sinasabing hindi masaya ang sembreak. Makabuluhan naman kahit papaano. Yun nga lang, parang hindi ko talaga naramdaman/naranasan ang kinakailangan kong BREAK mula sa lahat ng bagay. Kaya eto, parang wala ring momentum para sa susunod at huling semestre ng buhay ko. 

Hindi ko alam ang totoong point ng entry na 'to. Nalulungkot lang akong tapos na at huli na. 

Para sa susunod at huling semestre! Ito na ang simula ng marami pang huli.
LinkLeave a comment

2008 Sembreak [Nov. 2nd, 2009|12:45 am]
Nangungulila ako sa'yo dahil sa maraming bagay. Pero hindi na kita gustong maulit.
LinkLeave a comment

(no subject) [Oct. 31st, 2009|12:54 am]
kaya ako pa rin ang tataya
ikaw ang aking suwerte.
LinkLeave a comment

(no subject) [Oct. 27th, 2009|11:31 pm]
Katatapos lang ng ENTABLADO Midyear Plevsem kahapon. Wooooh! Hindi ko alam kung paano kong ilalarawan ang karanasang iyon pero alam ko lang, masaya akong tapos na. Sa totoo lang, hindi ko kasi talaga iyon napaghandaan hindi kagaya ng paghahanda ko para sa Summer Plevsem dati. Baka kasi dahil literal walang panahon para maghanda. Pero nagpapasalamat ako sa lahat ng nagpunta, lalo na ang mga newbies na maiiwan sa org next year. Congrats Junior ACs and deputies para sa inyong mga ginawang paghahanda. I'm proud of you! ;)

Hindi ko man lang fully na-absorb na tapos na ang first sem, dahil nga pagkatapos na pagkatapos ay nagplevsem na. Ngayon, marami akong kailangang gawin katulad ng pag-aayos ng assets at paghahanda sa Street Theatre workshop. Hay. Napapagod na ako. Gusto ko muna magpahinga nang kahit isang araw saka ako sasabak sa giyera.

Mabuti sana kung maganda classes ko next sem pero parang hindi rin. Hay nako. Haha. Unang beses ko lang ma-last batch sa buong buhay ko. Sunod-sunod na sems akong first batch. Ganun pala pakiramdam, buong araw akong naghihintay sa kung ano ang matitira sa akin only to find out na.... walang natira. HAHA. I mean, wala sa mga gusto ko. Hay nako. GANUN PALA YUN!!! Hahahaha.

Nakakapagod mag-isip. Pahinga muna bukas. sana. :(
LinkLeave a comment

just because. [Oct. 22nd, 2009|01:37 am]
Missing you has never been quite so easy. All I need to do with utmost solemnity is breathe and I shall begin the easy process of remembering your absence. To think that breathing speaks of life is a fallacy. It is nothing but a screaming yellow post-it attached to my forehead that says, "I am alive but without you" which really is another state of death. What if I trade my lungs for gills? Becoming a mermaid has always been a dream of mine and now I know why. Trading water for air, I would've exchanged this world for a world without you. Oh, but I forgot a small but necessarily insignificant detail--memory! The world of air and the world of water will not erase the cursed but the beloved memory of you from my disobedient head. It refuses to unremember you no matter how many times I torture it with banners that say, "He's never coming back!". But a fish has short memory, that's why goldfishes swim from one end of the bowl to another, thinking that they've never been there before. I want that kind of memory. After all, it seems that it is the kind that you have. Why should I not be blessed with the same forgetfulness? Overdramatic outpourings of tortured poetry and prose are all I have to show for this short-lived romantic entanglement and I wish to disentangle myself from it, from you. I wish to become a fish who needs not the air you breathe.
--I Wish I Were a Fish, Teacher Dawn Marfil, 2004

oh how I miss high school days.

LinkLeave a comment

Sabi sa akin ng isang kaibigan kagabi [Oct. 22nd, 2009|12:55 am]
"You're a great mapagpanggap."

HAHAHAHA. Pero positive daw yan, so let's leave it at that. :)
LinkLeave a comment

october 16 marks the spot [Oct. 18th, 2009|12:53 am]
LASING!
LinkLeave a comment

patapos na ang semestre [Oct. 15th, 2009|01:26 am]
at heto na naman ako, hindi handa sa pagtatapos na ito kahit na kating-kati na akong gawin ang lahat ng kailangang gawin, at maipasa ang lahat ng kailangang ipasa.

heto na naman ako, hindi handang humarap na mga susunod na hamon dahil alam kong ang mga susunod na hamon ay ang huli.

sana maging masaya na ako.

bow.
LinkLeave a comment

365 haha ;p [Oct. 14th, 2009|01:38 am]
ngunit kahit ano
hindi mawawala
kahit bigo
hindi mag-iiba

asahan mo pa rin
sumpaan natin tutuparin

kaya huwag kang mawawala
ikaw ang aking suwerte


--narda, "suwerte"



LinkLeave a comment

i know this is so high school. pero isa lang, please :) [Oct. 6th, 2009|12:12 am]
You're my sunshine
My occasional rain
We become divine
After every pain


So won't you please
Sit this through
Because everyday
We'll find reasons to stay

If words are too few
To keep horizons in view
Will you go
Or stay and grow

Standing on the edge
Between crazy and sense
Remember what I said
Nothing has to end

Won't you think it over
I'm not so good with words
I don't think you heard me

If words are too few
To keep horizons in view
Will you go
Or stay and grow

You found me
Where will we go from here

I swear I belong
This is where I belong


Where do we go from here
Keep me

--The World is Our Playground and We Will Always Be Home, Up dharma Down

AAAAHHHHH sarap =)

Link2 comments|Leave a comment

(no subject) [Oct. 1st, 2009|04:32 pm]
Naaalala ko noong pinabasa sa amin sa Theo 'yung article na "What is Happening to Our Beautiful Land?" at na tawang-tawa kami ng mga kaibigan ko dahil da title. Naging inside joke pa nga dahil hindi talaga kami maka-recover sa kapangitan ng title eh. Haha.

Pero noong nakaraang Sabado, doon ko yata unang nagamit nang seryoso ang mga salitang what is happening to our beautiful land dahil sa nangyari. Maaga pa akong gumising dahil sinubok kong magparehistro at hindi pa naman ganung kalakas ang ulan. Nagulat na lang ako nang magtext ang isang kaibigan (GK Coordinator at that) na baha sa GK Area namin at na 10% soaked na raw ang mga librong nasa library na katatayo pa lang namin noong Sept. 19. Siyempre hindi naman nila priority na isalba ang mga libro lalo na kung lampas tao na ang baha sa ilang bahagi ng community. Nakakalungkot lang--ang saya-saya kasi sa area kapag nagpupunta ako. Malinis at maaliwalas. Pero dahil sa bagyo, parang halos mawala lahat.

Mas nakakalungkot dahil pati mga kaibigan ko, direktang naapektuhan ng bagyo. May mga nawalan ng bahay, nasiraan ng kotse, nastranded nang ilang araw, nawala (!), etc. Sobrang hindi ko alam... nagpapasalamat akong walang nangyari sa bahay namin dito sa Marikina. Ang daming nagtetext sa akin para mangamusta dahil akala nila apektado ako, BUT NO. Thank you, Lord. :) Nakakainis pa na pinroblema namin ng groupmates ko nang ilang araw 'yung LS final pass at powerpoint only to find out na postponed ang defense, at hindi na magiging departmental. Sana hindi namin minadali + sana nakatulong kami agad kung ganoon pala. Ngayon, ang takot ko ay na hindi namin malaman ang mga dapat naming baguhin dahil wala naman palang kuwenta yung panelist namin since classroom defense lang siya.  Oops, libel. Haha.

Plus, walang finals at optional lang lahat ng requirements so hindi ko rin alam kung anong mangyayari. Parang pagkakaton ito para magpakatamad lalo ang mga tamad. Pero iniisip ko na lang na maganda ang kauuwian nito, para nga makatulong daw lalo, at para makarecover 'yung mga nasalanta. Sana nga maganda talaga. At sana bumalik sa ayos ang lahat...lalo na rito sa Marikina kong Hirang. :(

Hindi ko alam kung anong mangyayari sa susunod na linggo. Hindi ko nga alam kung handa ba ako (at ang Pinas) sa mas malakas pa raw na bagyo na dumating na sa bansa. Sana oo. Sana hindi na kasing lakas ni Ondoy. Ayoko nang makakita ng mga kotseng nagbabanggaan at lumulutang, mga batang umiiyak dahil sa gutom at lamig, mga kaibigang humihingi ng tulong sa ibabaw ng bubong, at mga taong walang ginawa kundi magpakasasa sa sarap na tinatamasa sa bahay sa halip na magbigay ng kahit kaunting tulong. :(

WIHTOBL? :( --CBCP
Link2 comments|Leave a comment

dahil araw-araw na lang nating napag-uusapan ang pagkalunod, gusto kong sabihing [Sep. 16th, 2009|02:37 am]
 gusto kong malunod kasama ka.

:)
LinkLeave a comment

NAIS MO BANG PUMASOK SA TAHANAN NG AKING AMA? ENTABLADO OPEN AUDITIONS NA! [Sep. 14th, 2009|01:57 pm]


UULITIN KO, OPEN AUDITIONS SA:

Sa September 24, 2009 (5:30 to 9NG sa Cervini White Room) at September 25, 2009 (7 to 10NG sa CTC115)


Huwag kalimutan ang:

1. Sinagutang AUDITIONS FORM na makukuha sa MVP 318 (EntaRoom), Enta Board sa EDSA Walk o sa http://entahanan.multiply.com)
2. Tatlong minutong sauladong monologong pandrama mula sa isang orihinal na dulang Filipino na isinulat mula 1900 hanggang 2000.
3. Isang joke.

*Maging handa ring magbasa ng linya mula sa dula.






NAIS MO BA?
Mag-AUDITION na!

LinkLeave a comment

(no subject) [Sep. 7th, 2009|05:10 pm]
 Wow, grabe. 4 hours na akong namomroblema dahil sa bagong kabit na router namin sa bahay. Hindi kasi ako makalog in sa Yahoo at Facebook, pero nakakalog in ako sa mga iba. At yung ibang laptops dito sa bahay, nakakalog in naman sa lahat. :( Gaaahh. Sobrang walang kuwentang router 'to. Nakakainis na nakadepende lang ako sa router tapos walang magawa

Huhuhu. Sana mas simple na lang ang lahat.
LinkLeave a comment

navigation
[ viewing | most recent entries ]
[ go | earlier ]

Advertisement